“Lumalabas na hindi nyo po talaga kaya ang pasanin ng pagka-Pangulo”. tweet ni Atty. Mel
Binanggit rin nito na huwag ng problemahan ang magiging kapalit ng pangulo kung sakaling bumaba ito sa pwesto dahil nag desisyon na umano ang taong bayan na si Vice President Leni Robredo ang papalit dito.
“Hwag ninyo na pong alalahanin ang kapalit ninyo. Nagdesisyon na po ang taong bayan bago pa ninyo kinonsider mag-quit. Si VP Robredo po iyon.” dagdag ni atty. Mel
Sa huli inihayag nito na sumanod nalang sa batas at pinayuhan ang pangulo na magpahinga nalang ito.
“Sundan na lang po natin batas. No problem po, magpahinga na kayo” pahayag ni Atty. Mel.
Atty. Mel Sta.Maria Tweet
“Lumalabas na hindi nyo po talaga kaya ang pasanin ng pagka-Pangulo. Hwag ninyo na pong alalahanin ang kapalit ninyo. Nagdesisyon na po ang taong bayan bago pa ninyo kinonsider mag-quit. Si VP Robredo po iyon. Sundan na lang po natin batas. No problem po, magpahinga na kayo.”
Maaalalang pinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tototohanin ni Pangulo Rodrigo Duterte ang pagbaba sa puwesto kung sakaling manalo si Bong Bong Marcos sa kanyang Electoral Protest laban sa nakaupong Vice President Leni Robredo.
“He think former Senator Bong bong Marcos is one of the better qualified leaders to succeed him.” ani roque.
“If he win the electoral protest if he becomes vice president, perhaps the President would make true his word na he would step down.”dagdag nito.