Sabi ni atty. Glenn Chong ng tanggulang demokrasya na hawak na nila ang Ebidensyang magpapatunay na kaduda-duda ang ilang resulta ng nakaraang automated election.
Base aniya sa nakuha nilang record ay may 459 na PCOS Machine ang nagpadala na ng resulta isang araw bago ang halalan noong May 09, 2016.
“8:32 ng gabi the machine the PCOS was shut down. And ang last message ng PCOS i was able to transmit to 3 servers. 2 hrs and 44 mins later an electronic transmission result was recieved by the municipal board of canvassers of the municipality of culaba in biliran at 11:23 in the evening.” ani Chong
“The question is, sino ang nagpadala ng resultang iyon because the machine was already switch off” dagdag ni Chong.
Nanghihinayang Si Chong na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maipresenta ito sa senado sa pagdinig nito lamang martes.
Sa Privilage speech ni Senator Tito sotto noong March 6, ay una na nitong inihayag na nagkaroon nga ng early transmission sa mga PCOS machine.
Ayon kay Chong, kung ang pag uusapan ang puwesto sa pagkapangulo noong 2016 election ay hindi na mahalaga ang natuklasan nila. subalit iba na ang usapan kapag sa posisyon sa pangalawang pangulo lalo na sa pagitan nila Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos dahil ang 459 na presinto ay mangangahulugang ng 220,000 na boto.
Pero nilinaw nito na wala syang inaakusahang sinoman na nandaya.
“Ang lamang po ni Leni Robredo against BBM is 263,000 so 220,000 is very material yun lang po ang masasabi ko. But i’m not saying na the votes were cheated by one against the other” ani Chong.
Panukala ngayon ni Chong na gawin nalamang hight breed ang election sa 2019 kung saan mano-mano ang pag boto pero shading nalamang ang gagawin at naka inprenta na ang pangalan ng mga kandidato.
Gumamit nalamang aniya ng application para naman sa pagpapadala ng bilang ng boto mula sa mga presinto.
“wala po itong pagkakaiba sa smartmatic, mas mura pa ang sistema meron kanang hawak na ebidensya dahil nabilang at nakita mo yung pagbibilang ng boto. pahayag ni Chong.
