Close Menu
Factnewsph.com
    Facebook X (Twitter) Instagram
    Factnewsph.com
    • Home
    • News
    • Business
    • Technology
    • Lifestyle
    • Digital Marketing
    • Social Media
    • Education
    • Health
    Factnewsph.com
    Home» TNS Correspondent »Banat ni Korina sa mga Trolls “kalahati ng katawan nila nakasanla kay Satanas

    Banat ni Korina sa mga Trolls “kalahati ng katawan nila nakasanla kay Satanas

    0
    By Kemar Roach on July 11, 2020  TNS Correspondent 
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email
    HINDI na napigilan ng award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez ang kanyang galit sa mga bayarang trolls sa social media.

    Umabot na ang TV host sa pagsasabing nakasanla na sa demonyo ang katawan ng mga taong walang ginawa kundi ang manira, mam-bully at manglait ng kanilang kapwa sa panamagitan ng socmed.

    Naglabas si Korina ng saloobin tungkol sa mga bashers at paid trolls sa naging panayam niya kay Kim last Sunday.

    Isa ang TV host-journalist sa mga nagtanggol sa aktres nu’ng kasagsagan ng pambu-bully sa dalaga dahil sa kanyang “classroom rules” at “bawal lumabas” statement. Ngunit sa halip na ma-depress at magpakalunod sa kalungkutan, bumangon si Kim at ginawang positibo ang lahat ng ibinatong kanegahan sa kanya.

    Nagpasamat ang Kapamilya actress kay Korina dahil sa pagtatanggol nito sa kanya. At dito na nga inilabas ng misis ni Mar Roxas ang kinikimkim na galit sa mga bayarang netizens.

    “Definitely. Alam mo kung bakit? Aminin na natin na lahat ng mga nega na ‘yan, titingnan mo yung profile, ang followers wala pang limampung tao. Obvious ba, na bayad ang mga lintik na ‘yan!” simulang pahayag ni Korina.

    Tila na-shock naman si Kim sa sinabi ng TV host ngunit kita naman sa mukha ng aktres ang pagsang-ayon.

    “Ang tingin ko sa mga troll, ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas. Isipin mo, pinalaki sila ng mga nanay at tatay nila para mag-nega.

    “Talaga? ‘Yan ba ang ambisyon ng mga magulang para sa mga anak nila?

    “Pero naiintindihan ko. Lahat sila nangangailangan ng pagkakakitaan,” tuluy-tuloy na sabi ni Korina. Aniya pa, kumikita raw ang mga bayarang troll ng P500 kada araw.

    “Sinasabi ko lang sa lahat ng mga troll, ‘Talaga, ang kabuhayan ninyo ay magpaka-nega?’

    “Kahit hindi ninyo pinapaniwalaan basta maka-nega lang kayo, makasira lang kayo ng tao, makapanakit ng damdamin. Yan ang pinagkakakitaan ninyo ng limandaang piso kada araw?

    “Sinasabi ko lang sa inyo, hindi pa huli ang lahat. Puwede pa kayong magbago ng buhay ninyo.

    “Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga pinapaniwalaan na proud ang parents ninyo sa ginagawa ninyo, right?” aniya pa.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn WhatsApp Reddit Tumblr Email
    Kemar Roach
    • Website

    Recent Posts

    A Guide to The Los Angeles Times Digital Subscription (2025)

    June 20, 2025

    Ergonomic Benefits of the Sihoo Doro C300 Pro Gaming Chair

    May 14, 2025

    Navigating Breast Augmentation Options in Turkey

    April 16, 2025

    Everyday Eating That Supports Better Living

    April 10, 2025
    Categories
    • App
    • Automotive
    • Beauty Tips
    • Blog
    • Business
    • Digital Marketing
    • Education
    • Entertainment
    • Fashion
    • Finance
    • Fitness
    • Food
    • Forex
    • Games
    • Health
    • Home Improvement
    • Instagram
    • Lawyer
    • Lifestyle
    • Net worth
    • News
    • Online Games
    • Pet
    • Photography
    • Real Estate
    • Social Media
    • Sports
    • Stories
    • Technology
    • Tips
    • Travel
    • TRENDINGS
    • Videos
    • Website
    About
    About

    FactNewsPH is your trustworthy resource for breaking news, in-depth analysis, and general topic blogs. We aim to keep you informed and engaged, delivering accurate, timely information across a wide range of topics.

    Email Us: [email protected]
    Contact: +8801798393800

    Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    A Guide to The Los Angeles Times Digital Subscription (2025)

    June 20, 2025

    Ergonomic Benefits of the Sihoo Doro C300 Pro Gaming Chair

    May 14, 2025
    • About Us
    • Privacy Policy
    • Contact Us
    Factnewsph.org © 2025, All Rights Reserved

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.