“Charot lang!
“Mabuhay ang labing-isang mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang!
“Dun sa seventy, ituloy-tuloy natin ang palabas.”
Ito ang nakangiti at masayang sigaw ni Vice Ganda sa opening number ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel ngayong Lunes ng tanghali, July 13.
Klaro sa manonood ng noontime show na pasasalamat ito sa labing-isang kongresistang bumoto ng “No” noong Biyernes, July 13, upang sana’y mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Natalo ang 11.
At patutsada naman ito ni Vice sa pitumpong (70) miyembro ng House of Representatives na “Yes” ang boto, kaya tuluyan nang hindi nabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.
Nagwagi ang 70.
Noong Sabado, July 11, nasilayan ng manonood ang isang malungkot na Vice Ganda na nag-walk out sa opening number ng It’s Showtime dahil masakit sa dibdib nito ang naging desisyon ng Committee on Legislative Franchises.
Ipinaliwanag ni Vice na kailangan niyang mag-exit sa stage ng It’s Showtime dahil hindi niya makayanang dayain ang sarili.
Naging mabuti na lamang ang kanyang pakiramdam matapos humagulgol sa backstage.
Ngayong tanghali, ibang Vice Ganda ang napanood ng televiewers. Masigla at palaban na siya, kaya nagawa niyang magpatutsada sa mga miyembro ng Kamara na nagkaisang pagkaitan ng franchise ang ABS-CBN.