Kinastigo ng mga senador ang panukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na ipagpaliban ang 2022 elections dahil “natatakot ang mga botante” sa pandemyang COVID-19.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kanyang tututulan ang anumang hakbang para i-postpone ang national at local elections sa Mayo 2022.
“We will oppose that vigorously in the Senate. That is part of a continued effort at a ‘no-el’ scenario,” sabi ni Dirlon sa panayam sa CNN Philipppines.
“I cannot see any justification on the postponement of the election. I am confident that our colleagues in the Senate will not agree to such a proposal,” saad pa nito.
Binigyang-diin ni Drilon na hindi maaring ipagliban ng Commission on Election (Comelec) ang national election nang hindi aamiyendahan ang batas.
“The Comelec can only postpone an election in a political subdivision, meaning the provinces, cities or municipalities, as provided for in the Omnibus Election Code,” paliwanag ng former justice secretary.
Maging si Senadora Imee Marcos ang mariing itinutulan ang ideyang ito ni Arroyo. Aniya, nagawa na ito sa ibang bansa tulad South Korea, Tawian, Belarus, Singapore, Iceland at sa Nobyembre sa US kaya’t kayang gawin ito sa Pilipinas.
“Lagi tayong tumatalima sa Saligang Batas, ituloy ang eleksiyon 2022. We should explore all possible scenarios: the 3-day in person recommendation of Comelec, expanded early voting, mail-in ballots, even in selects livestream online voting,” sabi ni Marcos.
“No doubt there are issues with every mode of voting but the voice of the people must be heared,” dagdag pa nito.
Iminungkahi naman ni Senador Francis Pangilinan na para maprotektahan ang mga botante mula sa COVID-19, kailangang mag-adopt ang Comelec. ng paraan para ipagpatuloy ang halalan sa 2020.
Inihalibawa nito ang dalawang araw na voting period at mas malaking voting areas para maipatupad pa rin ang physical distancing.
Sabi ni Pangilinan, Chairman of the Senate Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws, labag sa Konstitusyon ang pagkansela ng halalan.
“Kontra sa Saligang Batas ang pagkansela ng halalan. Hindi dahilan ang pandemya upang kanselahin ang eleksyon. Hindi tayo tulad ng Hong Kong na hawak sa leeg ng China kaya naipagpaliban ang kanilang eleksyon,” sabi nito.
“May mga paraan upang matuloy ang eleksyon at maproteksyunan ang kalusugan ng mga nais bumoto. Halimbawa, gawing dalawang araw ang halalan para mabawasan ang dami ng tao sa voting centers.
Maari ring ilipat ang botohan sa mga basketball court, sa mga plaza, mga gymnasium, at convention center para mas maluwag at maipatupad ang physical distancing,” sambit pa nito.