Limang buwan matapos mawala sa ere, muli nang mapapanood ang mga palabas ng ABS-CBN sa free television.
Ito’y matapos na magkasundo ang ABS-CBN Corp. at Zoe TV 11 para ipalabas sa A2Z channel 11 ang ibang entertainment show at pelikula mula sa Kapamilya network.
“A2Z channel 11 will be seen on analog TV in Metro Manila and nearby provinces,” saad ng media giant.
“ABS-CBN and Zoe are committed to work together to provide entertainment, public service programs, and educational content to the public,” lahad pa.
Dahil sa naturang pagbabalik ng ABS-CBN, sumirit ang presyo ng shares ng kompanya sa P10.58 percent, umakyat ng lampas 43 percent.
Bukod sa free TV, idadagdag din ang Channel 11 sa SkyCable para sa kanilang mga subscriber.
Ang Zoe TV ay pinangungunahan ni Bro. Eddie Villanueva, founder ng Jesus Is Lord church.
Sa naging tweet ng Kapamilya World, ilan sa mga magbabalik telebisyon ay ang noontime show na ‘It’s Showtime’ at ‘ASAP Natin ‘To’.