Sa part two interview ni Vice President Leni Robredo sa pagtatama sa mga fake news na lumalabas sa social media laban sa kanya, sinabi nyang hindi siya fake vice president dahil hindi naman siya nandaya.
Sabi ni Robredo wala raw talaga siyang karanasan pagdating sa pandaraya, walang expirience magnakaw sa kaban ng bayan at higit sa lahat wala raw siyang ginagawang kalokohan sa mga tao.
“Talagang wala akong experience mandaya sa eleksyon, walang experience magnakaw sa kaban ng bayan at wala naman akong ginagawang kalokohan” sabi ni robredo.
Sa pagpapatuloy nito, makikita naman raw kung sino ang may kapasidad at history ng mga ganitong gawain pagdating sa pandaraya. na tila tinutukoy nito ay ang katunggali nyang si dating senador Bong bong Marcos.
“Makikita natin sino ba ‘yong may capacity ,di ba? sino ‘yong may capacity- sino ‘yong may history na mandaya? Hindi yon ako.”
Giit din ni Robredo, noong panahon ng kampanya ay nag-umpisa siya sa mababang rating, hanggng sa tumaas at siya na nga ang nanalo, ngunit may iba pa raw na sadyang hindi parin maka move-on sa pagka talo,
“Alam mo nag umpisa ako sa 1% naging 4% naging 7%(wala pang fake news?) wala wala, pero bigla nalang noong tumaas ako, at meron nang chance na manalo, don na nag-umpisa,”
“Nanalo na nga ako pero meron pang ayaw mag move-on” Sabi ni robredo
Inungkat din ni Robredo kung saan nanggagaling ang mga fake news na lumalabas laban sakanya. ito nga ay galing umano sa kampo ni Bongbong Marcos,
“halata naman kung san galing ang fake news, parating pag sianasabing “fake vp” nandaya ako, uulitin ko po makikita sa Records: yong pamilya namin walang history na nandadaya,”
“Halat po nakamtan namin pinagpaguran namin nang maayos ”
“Lahat ginagawa para i-discredit ako. sa ‘kin lang kung alam mo na nanalo ka sa eleksyon, hindi mo na kailangan mag-fake news di ba?. alam nya kung ano ang lumabas sa eleksyon, before the elections yong surveys na re-flect naman talaga nang tama.” Sabi ni Robredo.
Panoorin ang interview ni Vice President Leni Robredo.
