Ayon kay Nanay Anita Petil hindi umano nila nagustohan ang mga sinabi ng lalaking naka pula sa stage na tinawag na diktadok ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“Medyo walk out kami kuya’ ani petil.
“kasi hindi namin nagustohan ang tabas ng nagsalita na si Marcos ay diktador na kanilang pinatalsik. Pero mali, Hindi dapat” giit ni nanay petil.
pagpapatuloy nito, pumunta sila sa event ng PDP-Laban upang suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte.
“Kami nagpunta rito para suporta kay Duterte, pero wag namang iisyu na ang patay na, pilit pa nilang binabangon eh, pangit yon, kaya kami nag walk out” ani ni nanay petil.
Giniit din ni Nanay Petil na silang mga loyalista ni Marcos ay nagpapaka hirap sa rally, umaraw man o umulan para sakanilang pakikipag laban.
“Kaming mga loyalista ni Marcos nagpapakahirap sa rally umula’t umaraw nandiyan kami para sa pakikipag laban namin tapos na nailibing na wag nang ungkatin” ani nanay petil
“Ngayon kung meron kayong mga hangarin kung ano man yon’, isantabi nyo nalang ang inyong hangarin wag na kayong mangdamay”. dadgdag nito.
Nilinaw din ni nanay Anita petil na bukod sa BongBong Marcos Supporters sila, Diehard Duterte Supporters din sila.
“nagpapakahirap kami pumunta dito para kay Duterte dahil kami number one supporter ni Duterte, DDS kami BBM, DDS, yan ang aming kategarya at kami kung saan-saang bayan nanggaling dito nagkatagpo-tagpo” ani nanay petil
“Nagsigawan kami sa loob, dahil hindi namin matanggap na sabihan si Marcos na Diktador, kasi totoo namang hindi diktador”. ani nanay anita.