Atty. Larry Gadon, isinumite na sa Office of the President at Kongreso ang petisyon para ibalik sa Manila International Airport ang pangalang Ninoy Aquino International Airport; Dating Sen. Ninoy hindi raw bayani kundi isang traydor.
Ayon kay Gadon, inihain nya ang petisyon sa office of the president, meroon daw itong walong daang libong electronic signatures na nanawagan na gawing Manila International Airport muli ang Ninoy Aquino International Airport.
Tingin ni Gadon, tila na brain wash lang ang mga Pilipino para isiping Bayani si Ninoy Aquino,
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na syang nangangasiwa sa paliparan at sinabi nilang, wala sakanilang mandato na pagpasyahan ang mga ganitong petisyon.
“The MIAA leaves in to the wisdom of our legislators to determine the value of the Petition. It is not within the purview of our mandate to give any reaction to this initiative”