Sa radio program ni Erwin Tulfo, pinatutsadahan nyang muli si vice President Leni Robredo matapos umalma si Robredo sa mga pinahayag ng Pangulo na ang Naga ay ‘Hotbed ng Shabu’
Sabi ni Tulfo matapos itanggi ni Vice President Leni na hindi Hotbed ng Shabu ang Naga, bakit raw pang lima sa Buong bansa sa mga pinakamataas na krimen ang probinsya nito.
“Bakit ang sabi ng PNP pang-lima kayo sa Pinakamataas na kriminalidad totoo ito” Sabi ni Tulfo
Kwento pa ni Tulfo, sa probinsya raw ni Leni, mag-katinginan lang raw sa inuman nag-sasaksakan na.
“May kakilala ako na nagsabi, sa naga raw magkatinginan lang sa inuman nag-sasaksakan na” ani Tulfo.
Inihambing rin ni Tulfo ang probinsya ni Robredo sa Quezon city, aniya bakit ang pagkaliit-liit na probinsya ng Naga ay napabilang sa top 5 na pinaka mataas ang krimen, samantalang ang Quezon City ay wala sa Top 5.
Ang liit-liit ninyo na lungsod, kumpara sa Quezon City, bakit ang Quezon City wala sa Top 5? o sige medyo malaki masyado, sa manila maliit ang manila nagsisik-sikan ang mga tao dyan bakit wala sa Top5 sige nga?” Sabi ni Tulfo.
“Wag na tayong Lumayo, sa Taguig, napakaliit ng taguig kasing laki lang yata nyo, e bakit wala rin sa number five sa pinakamaraming krimen? kasi tutulog-tulog kayo sa pansinan diyan!’
“Tanggapin mo na ang masaklap na katotohanan noong mamatay ang asawa mo wala ng ginawa mga Mayor dyan” dagdag nito.
Inihayag din nito sa kanyang programa na kung ang partido liberal ay magbabalik, mapipilitan umano syang tumakbo sa senado kahit itaga pa ito sa bato.
“Yung mga nagtatanong ho sa inyo dyan, kung ako ay tatakbo sa senado, wala ho akong balak, pero kung ganito naman,lintek nagsisibalikan na ang mga liberal na ito, e talagang mapipilitan ako. tatakbo ako” pahayag ni Tulfo.
“Deritsahan na ho tayo, pag ang liberal ho ay babalik e tatakbo ho ako ipangako itaga nyo sa bato” hindi ko ho aatrasan yan” dagdag nito.
