Nagpunta ang mga tagasuporta ni Senador Antonio Trillanes IV sa labas ng korte Suprema upang isigaw ang kanilang saloobin sa nangyayaring sigalot matapos mag labas ng Proclamation No.572 na nagpapawalang bisa ng iginawad na amnestiya kay Senador Trillanes.
Pawang mga miyembro ang Tindig Pilipinas at Magdala Partylis troop ang nasa labas ng korte suprema na sinisigaw ang pagkundina sa ginagawang panghaharas sa numiro unong kritiko ni Pangulong Duterte.
“Trillanes, Trillanes walang iwanan, Trillanes, Trillanes ipagtanggol, Duterte, Duterte salot sa Bansa” ang sigaw ng mga tagasuporta ni Trillanes.
Maaalalang ang nakasulat sa Proclamation No. 572 kung bakit pinawalang bisa ni Duterte ang amnestiya na iginawad kay Senador Trillanes ay dahil hindi umano ito nag-file ng amnesty application at hindi rin umano ito umamin sa kasalanan sa mga krimeng ginawa nito sa Oakwood Munity noong 2003 at Manila Peninsula Siege noong 2007.
Ngunit ang lahat ng mga ito ay pinabulaan ni Senador Trillanes kasabay ng pagpapakita ng mga lehitimong Ebidensya sa publiko.