Hindi nangimi si Kaladkaren Davila na sagutin ang payo ni Sen, bato dela Rosa sa mga empleyado ng ABS-CBN (na mawalan ng trabaho sa sandaling hindi mabigyan ng prangkisa), na “Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo”
Idinaan nga ni kaladkaren sa twitter ang pagsopla o pagsagot niya kay Sen. Bato.
“Mr. Sanator bagay din po sa inyo itong statement niyo. May iba pa pong trabaho. Hanap na lang po kayo ng iba!” sabi ni kaladkaren.
Marami naman sa followers ni kaladkaren ang nag-agree sa sinabi niyang yon.