Binatikos ng ilang netizen si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kumalat ang video niya na nagbi-videoke at nagsasaya sa Baguio City Biyernes ng gabi habang dumadaing ng tulong ang mga residente na nilubog sa baha ng bagyong Ulysses.
Binahagi ng Twitter user na si @camelskie ang video ni Roque habang kumakanta ng “Pare Ko”.
“This was taken last night here in Baguio. It goes to show that the people who have the power doesnt really care about their fellowmen,” react ni @camelskie.
Shinare rin ni Twitter user @MiaMagdalena ang video at sinabing, “Harry Roque was at the Baguio Craft Brewery drinking and singing while Cagayan valley was inundated with water and people were fighting for their lives. Ano ba naman ito? ‘Di ba? Tangina?”
Saad naman ng original na nag-tweet na si @GaryLouieBacani, “The audacity of this man to celebrate while a lot of our countrymen are suffering. Kagabi lang to!”
Sa inilabas niyang statement, sinabi ni Roque na, nag-“unloading” lang siya matapos ang isang hectic week.